Ninakaw Mo Ang Boyfriend Ko

21 Nov

Noong una, sa totoo lang,

Naaliw ako talaga sa iyo.

Kapag nakatalikod si Prof,

Ang funny kasi ng mga banat mo.

Wala kang friends so, okay,

Di ko matiis, inampon na lang kita.

Ayaw nga ng barkada kasi

Para ka raw hyper na chuihuahua.

Hindi ko man napansin,

Hindi ko talaga namalayan —

Naghunos ka’ng mala-Zuma

Nang ang syota ko’y nasilayan.

Nagpa-inosente pa kayo,

Gagawa ng term paper kuno.

Sa lalim ng gabi, kapag magkasama,

Iba na pala ang niyayari ninyo.

So ako’y umiyak, nagwala,

Sumuka sa sagad na pagkalasing,

Nagkalat ng tsismis tungkol sa yo,

Pinabugbog ang ex sa pinsan kong praning.

Di naglaon, sinunod na lang si Oprah,

At sa gulo’y nakahanap ng silver lining.

Dahil sa gahamang paghu-Hudas ninyo,

Nabistong pareho pala kayong bading.

Advertisements
%d bloggers like this: